Minsan na kong nagmahal,minsan na ring nasaktan.. Minsan ng naging *****,dahil minsan minahal kita. Papayagan ko pa bang maulit?.. Bakit hindi? Eh minsan lang akong naging masaya,nang mahalin kita..

Kahit anong tindi ng dasal ko,isa lang akong sirang nangangarap sa yo.alam ko di mo ko mahal at di ka magiging akin. Isa kang pangarap na di ko maaabot,dahil lahat ng pinapangarap mo kahit kelan di magiging ako

Sabi mo "di ko kayang mawala ka.." sarap pakinggan at isiping mahal mo ko,na mahalaga ako sa buhay mo.. Ang masakit dun,sa kanya mo sinabi.. Narinig ko lang

Sabi mo mahal mo ko... Tinawanan lang kita... Sabi mo totoo yun, nde ako makapaniwala... Tumakbo kang luhaan, at ako'y natauhan... Maniniwala ka kaya, kung sabihin kong mahal din kita?

Magmahal....Marunong ako nun..Yung tipong t@nga ka na, cge pa rin..Pero sa bandang huli, itatanong mo...T@nga ba talaga ako???? O mahal lang talaga kita??

Minsan na ko nagmahal, minsan na din nasaktan, minsan nang naging *****, dahil minsan minahal kita.. Papayagan ko pa ba maulit? Bakit hindi? E minsan lang ako naging masaya, nang mahalin ka..

Madalas kong isipin, san ko ba ilulugar sarili ko sa’yo? O, kung may lugar pa ba ako? Kapag bibitiw na ko, dumarating ka at pinaparamdam mo na meron pang pag-asa.. Ngayon, darating ka pa ba? Kasi bibitiw na ko...

Masakit pag iniwan ka ng taong mahal mo...Mas masakit pag nakita mo sya na may mahal na syang iba..Pero ang sakit sakit pag nakita mo syang maligaya...maligaya sya kse wala ka na...

Masakit maging kaibigan ng taong mahal mo..Hindi mo alam kung saan ka lulugar ...
Di ka dapat umasa ..O di kaya mainis sa kanya...Bakit??? Anong karapatan mo???
E kaibigan ka lang di ba!!....


Gusto ko ipagtapat nararamdaman ko.. Sabi mo, "sige ok lang yun!" natakot ako baka mailang sya.. Sabi mo, "hindi yun! Malay mo, mahal ka rin nya!" o cge na nga, sabihin ko na... "mahal kita.." sabi mo, "hoy wag ka ganiyan! Friends tayo di ba?"

Ito na siguro ang pinakahihintay kong araw...masasabi ko na yung bagay na gusto kong mangyari..matagal din akong naghintay..mahirap, pero nakaya ko! Haaay..sa wakas...... hindi na rin kita mahal!

Sabi nila, puwede naman daw turuan ang puso na magmahal basta makitaan lang ng konting sakripisyo.... Pero bakit ako? Buong buhay ko inaalay ko, pero nde mo pa rin ako matutunang mahalin....

Anong gagawin ko pag wala ka na? Masasaktan? Iiyak? Pipiliting limutin ka? Hinde.... Dahil isa lang ang kaya kong gawin masakit man...iyon ay ang mahalin ka pa rin.....

Di ba alam mo na mahalaga ka sakin? Na kailangan kita? Lam mo rin na masaya ako pag nandito ka di ba? At lalong alam mo na mahal kita.......alam mo pala eh! Bat ka nagmahal ng iba??

Kailan mo malalaman na mahal kita? Pag wala na ko? Pag wala ka ng matakbuhan? siguro...Pero sana malaman mo na..Hirap na ko e..Pagod na kong iparamdam sa yo
na mahal kita...Manhid ka ba talaga


Isang araw, mawawala ka din sa isip ko. May papalit din sa'yo. Di ko alam kung sino. Pagdasal mo naman o, wag nya sanang saktan ang puso ko...tulad ng ginawa mo

Pag mahal mo, gagawin mo lahat...Kahit masakit, kahit di mo na kaya...Pero bakit ba nagiging masakit?...kc patuloy ka pa ring umaasa,na mamahalin ka rin nya, kahit alam mong... Di na..

Nasubukan mo na bang magmahal??? Yung bibigay mo ang lahat.....Oras....atensyon kasi akala mo mahal ka rin niya.....Hindi pala...Ako, nasubukan ko na.....Nung minahal kita

Dati,im afraid to love kse bata pa ko..But now im afraid to say goodbye. As time goes by, im learning to let go.. Ano kaya susunod?Maybe I’ll learn to hold on. Kaya lang wag muna, kaka let go ko pa lang...

Ok na ko,hindi ka pa..Anong problema,ako ba? Masaya na ko,malungkot ka.. Bakit ba laging salungat ka? Tahimik na ko,utak mo magulo pa.. Dahil ba ako kasama mo?..At hindi sya?...

You think i’m strong don’t you? Well though i seemed to be though. I’m also afraid of one thing. It’s realizing that i’ve lost the people who i gather strength from. So don’t ever go… “hindi ko kaya!”

I know that you already found maybe the right person who you think will love you more than i did, don’t worry i’m not hurt. I’d wait and if you come back i’ll just say “wag ka mag-alala, mahal pa din kita!”

Kaya kong tuyuin ang iyong mga luha sa bawat sakit na iyong mararamdaman ngunit kailan mo kaya mapupuna ang aking luha? Pareho lang tayong nasasaktan… ikaw sa kanya at ako sayo…

Eto na yung huling araw na papangarapin kita.. Huling pagkakataon na iiyak ako.. At huling sandali na papayagan kong saktan ang sarili ko.. Bukas pag nakita kita,ibubulong ko.. "tama na,masyado na kitang minahal..."

Sabi nila, mahirap daw magmahal.. Maraming sakripisyo ang pinagdadaanan.. Sabi ko, anong mahirap dun? Eh kung sa'yo lang, kulang pa ang lahat ng yun

Minsan naisip ko..Kakapagod magmahal. Minsan bawal,minsan meron na pala sya.. Minsan ayaw sa yo. Masakit pa nun,kung mapunta ka sa manloloko! Buti na lang,ikaw minahal ko. Kahit para sa yo,friend lang ako...

Pag wala ka na,di na ko iiyak.. Pag wala ka na,di na ko malulungkot.. Pag wala ka na,di na ko matatakot.. Pag wala ka na,di na ko magmumukhang t@nga.. Lam mo kung bakit?.. Kasi wala na rin ako...

Lam ko,maraming beses ka ng nasaktan..pero swerte ka pa rin,daming nagmamahal sa yo.eh ako?eto,nasasaktan din,pero ni minsan hindi ko naranasan na mahalin tulad ng pagmamahal ko sa yo...

Sabi mo, mahal nya ko.. Sabi mo, d nya ko iiwan at sasaktan.. Sabi mo,para talaga kami sa isa't isa.. Hello! Kung sabihin ko kaya sa yong ikaw ang mahal ko at hindi sya?.. Makaimik ka pa kaya?!...

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang. Kung bakit kuntento na ako sa isang sandaling makita kita. Kung bakit tanging ikaw ang mundo ko... Kahit na alam kong kaibigan lang ako sa buhay mo

It's hard letting go of someone specially if he/she became an important part of your life. But if you feel that you've given everything but still nothing happens, set him/her free. "mas madali siguro ang bumitaw kesa maghintay

Sa umpisa pa lang,sinabi ko nang di kita mahal.. Sa umpisa pa lang,sinabi ko nang di tayo para sa isa't isa.. Sa umpisa pa lang,sinabi ko nang hanggang friends lang talaga tayo.. Pero bakit ngayon nasasaktan ako tuwing magkasama kayo?.. Ah siguro dahil..Sa umpisa pa lang,nagsinungaling na ko...

Bakit ba ang bait mo sa kin? pag malungkot ako,nagpapatawa ka. pag may problema ko,lagi kang handang makinig. pag di ko na kaya,sinasalo mo ko..andyan ka lagi sa tabi ko..nahulog tuloy ako sa yo. kaya naglakas loob na ko,tinanong kita kung mahal mo rin ako. ngumiti ka at sinabing "syempre mahal kita..magkaibigan tayo,di ba?..."

May nagparamdam na ba sa yo na special ka? Tapos inisip mong nahuhulog na sya sa yo.. Kaya nahulog ka na rin sa kanya. Tapos inamin nyang inlove sya.. Pero hindi sa yo. Masakit di ba?.. Parang yung na feel ko nung sabihin mong inlove ka.. Sa kanya

Minahal kita ng walang hininging kapalit.. Di ko hiniling sa yo na isipin mo ko.. Na mag-alala ka sa kin.. O mahalin rin ako. Ang hindi ko lang matandaan, hiniling ko ba sa yong saktan mo ko?...

Masaya ka ba sa kanya? Sabi mo..sure! Masaya ba sya sa yo? Sabi mo..sure! Yun naman pala,eh bakit ka umiiyak? Sabi mo.."kasi akala ko kaya ko pag wala ka..hindi pala

"kahit masakit, pinilit kitang kalimutan... Kahit masakit, pinilit kong wag umiyak... Kahit masakit, pinilit kong wag magtiis... Pero kahit anong gawin ko, kaw parin ang mahal ko eh... Kahit masakit!"

Kung noon pa sinabi ko na, eh di sana kasama na kita...Kung noon pa sinabi ko na, eh di sana tayo na talaga...Ngayon alam mo gusto kita, pwede pa ba? Di na siguro, dahil sabi mo, "noon pa sana."

what's the worst question someone could ever ask you? "akala ko ba may thing kayo?" then you'd look down and say,,, "akala ko rin eh."

"bakit umiiyak ka nanaman?" "e kasi...""mahal mo pa din noh?" "oo eh...""kahit niloko ka na? Kahit pinaasa ka lang?" "uuhhmm... Oo... Oy, bakit ikaw naman ang umiiyak?" "kasi, hindi ko talaga siya mapantayan."

Naisip ko, bakit kaya ganun? May inaabot tayong mga bagay na parang perpekto na, pero kahit ano pang gawin, di talaga natin makuha. Tapos, dumating ka... Naiintindihan ko na

I could never find another one who could compare to you. I may love again but not the way i have loved you. You may only be a part of my past but you know what? Everytime i see you, i whisper..."minahal ko yan."

sabi ko "mahal na mahal kita" sabi mo "alam ko na yun" tanong ko "ako ba mahal mo?" sagot mo "oo naman higit pa sa buhay ko" napaluha ako sa tuwa tapos sabi mo.."o, wag na iyak bestfriend ko

Alam ko wala na akong halaga sayo, napapansin ko. Alam ko hindi mo na ako mahal tulad ng dati, nakikita ko sa mga kilos mo. Pero kahit balewala na ko syo, nandito lang ako na patuloy na magamamahal syo...

One night nagtext ka sa ‘kin. Sabi mo "i luv u". Nagulat ako,di ko inakalang mahal mo rin pala ko. Super happy ko nun! Nagreply ako sabi ko "i luv u 2". Pero napaiyak ako when you replied "sorry, wrong send.."

Naaalala ko ang mga araw na sinasabi mo sakin, "baby, mahal kita", naalala ko nung sinabi mo na, "i'll never let you go", pero higit sa lahat, hindi ko makakalimutan ang araw nung sinabi mo sakin na..."baby, iiwan na kita ha

Bakit kaya pag mahal mo ang isang tao, nagkakagusto sya sa iba? Ikaw na nga ang nagsasakripisyo, ikaw pa ang binabalewala... Bakit ganun.. Ang masakit pa nun... Mahal mo na nga ang nawala, kaibigan mo pa ang minahal nya

Sabi nila,wag daw kitang sasaktan..Sabi nila,mahalin daw kita ng lubusan..Alam kong di ko kaya, pero gagawin ko. Hindi dahil tama.. Hindi dahil nararapat.. At hindi dahil sabi ng iba..Simple lang:mahal lang talaga kita...

Anong pakiramdam mo kung makita mo ko na may kasamang iba?! Siguro wala kasi kaibigan lang naman ako sa yo…pero kung marealize mo na mahal mo ko…sabihin mo lang at iiwan ko sya para sa yo…

balita ko mahal mo pa sya? Totoo? Sakit ba? Sori talga…mahal kita e!! Pero kung ayaw na niya sa yo dito lang ako maski panakip butas lang …maski masaktan pa ko…wag lang ikaw.

Iiwan mo ko? Sayang!…mahal pa naman kita…sakin ah! Pero sabagay bat nga naman ako masasaktan? E kahit kelan naman,di ka naging akin!

Sabi mo gusto mo ko, sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo, sabi mo iiwan mo na sya…sabi mo intayin kita, sabi mo mas mahal mo ako, bakit ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin nya.

The only way to know if someone truly loves you is when after you’ve turn him down you see him rise from the fall, walk up to you and say mahal kita! Higit pa sa ginawa ko dati!

Nung nawala ka, ask ko si god bakit mo pa siya binigay kung babawiin mo lang din? Sinagot niya, maging masaya ka na lang, kahit sandali naging sa yo siya! Nakalaan kasi siya sa iba!

Bakit ba ganon? Pare-pareho sila... Lahat iniwan ako... Lahat sinaktan ako... Pro bakit ganon? Gusto ko pa rin magmahal... Lam mo kung bakit? Kasi lam ko darating ka...

"bakit ka bumalik?" "d naman ako umalis.." "bakit?" "dahil kahit gaano kalaki ang galit ko,kahit gaano ko isipin na pinaikot mo ko,nagsinungaling ka sa kin, at niloko mo ko..alam kong paggising ko sa umaga,mamahalin pa rin kita. Dahil d mo naman sinadyang saktan ako..ginawa mo lang kung anong gagawin ng isang mabuting kaibigan.. Ako lang naman tong t@ngang umasa ng mas higit pa..."

Everybody said i'm crazy for loving you...They also said im stupid for loving you...But you know what i told them? "naman, walang pake alamanan mahal ko toh e...."

Napangiti ka na ba niya dahil andyan sya? Nabuo na ba araw mo? Pakiramdam mo ba sya na? Nagpapasalamat ka ba dahil nakilala mo sya? Siguro "oo" sagot mo...E pano yan.. Mahal ka ba niya?

If you were beside me, i'd stare at you, look deep into your eyes while holding you very tight...And as i look at your face, i'd close my eyes and pray...I' wish to god...God... Sana habambuhay akin lang sya..."